9 anyos na babae biktima ng gang rape sa Argao; 4 suspek arestado, 2 pa tinutugis

By Len Montaño March 27, 2019 - 10:44 PM

Argao PNP photo

Tinutugis ng pulisya ang dalawa sa anim na lalaki na umanoy nag gang rape sa isang 9 anyos na babae sa Argao, Cebu.

Ayon sa Argao Police Station, naaresto na ang apat na suspek isang araw matapos ang umanoy paghalay sa bata noong March 25.

Nasa kustodiya na ng pulisya sina Calixto Aligato Jr., 22 anyos; Guillermo Dumasapal, 48 anyos; Remond Emelda, 30 anyos at isang 17 anyos na lalaki.

Ang dalawa pang suspek ay nakilala lamang sa alyas na Jun at Pat.

Ayon kay Police Major Rolan Aliser, hepe ng Argao Police Station, nakatanggap sila ng tawag kaugnay ng paggasaha ng anim na suspek sa bata.

Ang biktima na Grade 2 students ay hinalay sa isang tagong lugar sa Argao.

Ang mga suspek ay mga construction workers at galing sa inuman bago ang krimen.

Nabatid na isa sa mga suspek ay kamag-anak umano ng bata.

Plano naman ng pulisya na sampahan ng reklamo ang mga magulang ng bata dahil hindi nila agad inireport ang paggasaha sa kanilang anak.

Ang biktima ay nasa pangangalaga na ngayon ng DSWD sa Argao.

TAGS: 6 na suspek, 9 anyos na babae, argao, Argao Police Station, cebu, construction workers, dswd, gang rape, inuman, kamag-anak, Magulang, Police Major Rolan Aliser, 6 na suspek, 9 anyos na babae, argao, Argao Police Station, cebu, construction workers, dswd, gang rape, inuman, kamag-anak, Magulang, Police Major Rolan Aliser

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.