Isa ang patay at isa ang inaresto sa joint operation ng Philippine National Police (PNP) at 44th Infnatry Battalion ng Philippine Army sa Barangay La Paz, Naga, Zamboanga Sibugay Miyerkules ng umaga.
Ayon kay 44th Infnatry Battalion commander Lt. Col. Don Templonuevo, magsisilbi ng warrant of arrest laban kay Alih Abelilla dahil sa paglabag sa batas ukol sa armas nang pagbabarilin sila ng armadong grupo.
Nagresulta ang 30 minutong bakbakan sa pagkapatay sa suspek na si Kaizer Cuarto Cruz, miyembro ng Brahama Ali Group na notorious sa kidnap for ransom at ilang iligal na aktibidad sa lugar partikular sa droga.
Narekober ng tropa ng gobyerno sa mga suspek ang caliber .45 pistol isang hand grenade at 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang naarestong suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.