Populasyon sa Pilipinas, posibleng umabot na sa 109 milyon
Posibleng tumaas ng dalawang milyon ang populasyon sa Pilipinas, ayon sa Commission on Population (POPCOM).
Batay kasi sa datos, tatlong sanggol ang ipinapanganak kada minuto sa bansa.
Mula sa 107 milyon noong 2018, sinabi ni POPCOM-National Capital Region director Dr. Lydio Espanol Jr. na maaari nang umabot sa 109 milyon sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.
Malaking epekto aniya ang hindi maayos na family planning sa ilang pamilyang Pilipino.
Dagdag pa nito, kapag mas madami ang bilang ng anak, mas mataas din ang posibilidad na mahirapan sa buhay ang pamilya.
Hinikayat naman ng POPCOM at mga miyembro na Philippine Obstetrical and Gynecological Society na makiisa sa mga kampanya sa family planning lalo na ang mga informal settler.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.