Gagawa ng panibagong runway sa Clark International Airport.
Ayon kay Jaime Alberto Melo, presidente ng Clark International Airport Corporation o CIAC, inaasahang matatapos ang konstruksyon ng ikalawang runway bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2022.
Inanunsiyo ito ni Melo sa isinagawang inspeksyon sa nagpapatuloy na expansion construction sa naturang paliparan.
Kasama ni Melo sa inspeksyon sina Finance Secretary Carlos Dominguez, Transportation Secretary Arthur Tugade, Bases Conversion and Development Authority President at CEO Vince Dizon at iba pa.
Aabot sa P10 Billion ang pondo para sa naturang proyekto.
Oras na matapos ang konstruksyon, sinabi ni Melo na madaragdagan ang bilang ng mga pasaherong maseserbisyuhan sa Clark Airport.