Reed Bank mananatiling protektado ng pamahalaan ayon sa DOF
Pinakakakalma ng Department of Finance (DOF) ang mga kritiko ng administrasyon sa posibilidad na maagaw ng China ang oil and gas deposits sa Reed Bank mula sa Pilipinas matapos mapaulat na ginawa itong collateral para sa $62 Million loan para sa Chico river irrigation project.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Finance Usec. Bayani Agabin na hindi maaring basta na lamang angkinin ng alinmang bansa ang isang public asset gaya ng oil and gas deposit sa Reed Bank nang hindi dinadala sa korte.
Ayon kay Agabin, walang probisyon sa loan agreement sa pagitan ng China at Pilipinas na isinusuko ang teritoryo gaya ng sa Reed Bank.
Iginiit pa ni Agabin na anumang desisyon ng arbitral tribunal, ang batas ng Pilipinas ang mananaig kapag umabot sa hindi pagkakasundo ang dalawnag bansa.
Nilinaw rin ng opisyal na mananatiling protektato ang Pilipinas mula sa posibilidad ng anumang hindi patas na pagtrato sa arbitration.
Sa ngayon, sinabi ni Agabin na umaasa ang Pilipinas sa good faith ng China na susundin ang mga probisyon na nakapaloob sa loan agreement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.