Hinimok ni Senator Richard Gordon si dating Police Senior Superintendent Eduardo Acierto na sumuko na lang kung talagang wala itong kasalanan.
Ayon kay Gordon, walang dapat ikatakot si Acierto kung talaga din kaya nitong patunayan ang kanyang mga alegasyon na sangkot sa droga si Presidential Adviser on Economic Affairs Michael Yang.
Ibinahagi ni Gordon na sa isang executive session na hiniling ni Acierto, sinabi nito na nito ang kanyang mga alegasyon kay Yang ngunit ang lahat ay bintang pa lang.
Idinagdag pa ng senador na tumanggi din si Acierto na sumailalim sa Witness Protection Program.
Samantala, hiniling naman ni Sen. Leila de Lima sa Malacañang na ipaliwanag nina Pangulong Duterte at dating Special Assistant to the President Bong Go ang mga alegasyon laban kay Yang.
Sinabi ni de Lima dapat na malaman kung sino ang nagtago ng intelligence report na ipinadala sa Malakanyang ni Acierto ukol kay Yang.
Kaugnay pa nito, sa pahayag ni Sen. Sonny Trillanes IV, sinabi nito na tulad ng ibang tao, hindi santo si Acierto ngunit tulad din ng mga graduates ng Philippine Military Academy, alam nito ang kanyang obligasyon sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.