6 out of 10 points ibinigay ni Duterte na marka sa kanyang sarili

Inquirer file photo

Lima hanggang anim na puntos lamang ang naging grado  ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang sarili.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban, sinabi nito na unti-unti na niyang natutugunan ang problema sa illegal na droga, korupsyon, kriminaldiad at iba pa.

Bagama’t aktibo ang pamahaalan, inamin ng pangulo na lalo pang lumala ang problema sa illegal na droga.

May natitira pang tatlong taon na panunungkulan sa Malacañang si Pangulong Duterte.

Gayunman, tiniyak naman ng pangulo na tatapusin niya ang lahat ng kanyang mga naipangako kung matatapos niya ang kanyang termino nang hanggang sa taong 2022.

Read more...