Pulis na inambush sa San Juan dating nasangkot sa droga

Photo: San Juan City PNP

Inihayag ng Philippine National Police o PNP na ang napatay na pulis sa San Juan City ay kabilang sa dating drug watchlist si Pangulong Rodrigo Duterte.

Napatay ang pulis na si Police Senior Master Sergeant Solomon Cugay makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Edsa malapit sa Connecticut dakong alas tres, Martes ng hapon.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, sangkot umano si Cugay sa pagprotekta sa mga drug lord at pag-recycle ng mga droga noon.

Hindi naman aniya napasama si Cugay sa mga tinatawag na ‘ninja cops.’

Sinabi pa nitong napatunayan nang hindi sangkot si Cugay sa ilegal na transaksyon ng droga.

Batay kasi aniya sa impormasyon mula kay National Capital Region Police Office director Guillermo Eleazar, walang na-monitor na ilegal na aktibidad si Cugay mula taong 2017.

Sa ngayon, hindi pa aniya malinaw ang motibo sa pagbaril kay Cugay ngunit tinitignang anggulo ng mga imbestigador ang posibleng pagkasangkot noon ni Cugay sa droga.

Patuloy pa naman ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.

Read more...