2019 budget sa Biyernes pa hihimayin ng pangulo

By Chona Yu March 27, 2019 - 04:13 PM

Inquirer file photo

Sa March 29 pa sisimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang paghimay sa P3.8 Trillion na 2019 national budget.

Ayon kay Executive Sec. Salvador Medialdea, hahayaan niyang munang mag-celebrate ang pangulo ng kanyang kaarawan sa March 28, Huwebes sa Davao City.

Sinabi ng opisyal na saka na lamang pagtatrabahuin ang pangulo kapag natapos na ang kanyang kaarawan.

Matatandaang isinumite na kahapon ng kongreso sa Malacañang ang enrolled bill ng 2019 budget.

Tiniyak naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hihimayin ng husto ng pangulo ang budget at at gagamitin nito ang kanyang veto power kung kinakailangan.

Kahapon ay sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nilagdaan niya ang budget with reservations lalo’t kasama pa rin dito ang naunang kinuwestyon na P75 Billion realignment para sa ilang proyekto ng DPWH na ipinasok ng ilang kongresista.

Nauna na ring sinabi ng pangulo na hindi siya pipirma sa isang dokumento kung may laman itong labag sa mga umiiral na batas.

TAGS: 2019 budget, Birthday, Davao City, Malacañang, medialdea, Sotto, 2019 budget, Birthday, Davao City, Malacañang, medialdea, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.