Pangulong Duterte, magbi-birthday muna bago himayin ang 2019 national budget

Sa March 29 pa sisimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghimay sa 3.8 trilyong pisong 2019 national budget.

Ayon kay Executive secretary Salvador Medialdea, hahayaan niyang munang mag-celebrate ang pangulo ng kanyang kaarawan sa March 28, Huwebes sa Davao City.

Ayon kay Medialdea, saka na lamang pagtatrabahuin ang pangulo kapag natapos na ang kanyang kaarawan.

“Pwede celebrate muna natin ang Pangulo ng birthday niya bukas saka natin patrabaho ulit,” ayon kay Madialdea.

Matatandaang isinumite na kahapon ng kongreso sa Malakanyang ang enrolled bill ng 2019 budget.

Tiniyak naman ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hihimayin ng husto ng pangulo ang budget at ivi-veto ang mga line item na kinakailangang i-veto.

Read more...