Pagkawala ng 43 estudyante sa Mexico, muling iimbestigahan

By Kathleen Betina Aenlle December 02, 2015 - 04:28 AM

 

Mula sa mexlend.com

Bumuo na ng special unit ang Mexico para muling imbestigahan ang kontrobersyal na pagkawala ng apatnapu’t tatlong estudyante noong nakaraang taon.

Sasailalim sa pagbabantay ng Inter-American Commission on Human Rights ang nasabing bagong unit na bubuuin ng mga pulis, prosecutors at coroners.

Ito’y sa harap na rin ng matagal nang panawagan ng mga galit na magulang ng mga kabataang nawala na magsagawa na ng bagong imbestigasyon ang pamahalaan tungkol sa insidente.

Simula pa noong Huwebes, nag-camp out na ang mga magulang malapit sa presidential complex para iparating sa pamahalaan ang kanilang panawagan.

Ayon kasi sa mga prosecutors, dinukot ng mga pulis sa bayan ng Iguala ang mga estudyante at ipinasa sila sa isang drug gang.

Pinatay umano ng sindikato ang mga kabataan at sinunog ang mga labi nila na inilagay sa isang landfill Setyembre ng taong 2014.

Taliwas sa sinasabi ng prosecutors, nanindigan naman ang ilang independent experts na walang siyentipikong pruweba na sinunog nga talaga ang mga estudyante sa landfill, kaya’t nanawagan sila sa mga na muling imbestigahan ang nangyari.

Inaasahang magbibigay ng bagong direksyon at maglalahad ng mga bagong detalye ang nasabing imbestigasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.