Gobyerno dapat bumuo ng mga trabaho para hindi mag-abroad ang mga Pinoy – Sen. Angara

By Jan Escosio March 27, 2019 - 01:16 PM

Ang pagkakaroon ng sapat at magandang trabaho sa bansa ang nakikitang isang solusyon ni Senator Sonny Angara para hindi na mangibang bansa ang maraming Filipino para sa kanilang ikabubuhay.

Sinabi pa ni Angara na maging ang mga bagong college graduates ay maaring makinabang sa mga maiaalok na trabaho ng gobyerno.

Aniya maraming Filipino ang nakikipagsapalaran at nagsa-sakripisyo sa ibang bansa para itaguyod ang kanilang pamilya bunga ng kawalan ng magandang oportunidad para sila ay kumita dito sa bansa.

Tinataya na may 10 milyong OFWs ang nakakalat sa ibat ibang bahagi ng mundo.

Base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, noon lang 2017 higit sa 2.3 milyon Filipino ang nagsimulang mag-trabaho sa ibang bansa.

Samantala, sinabi pa ni Angara na dapat din bigyan ng sapat na proteksyon ng gobyerno ang milyun-milyong Filipino nagta-trabaho sa ibang bansa.

TAGS: ofw, Radyo Inquirer, Senate, Senator Angara, ofw, Radyo Inquirer, Senate, Senator Angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.