Ayon kay Lacson sa isasagawang imbestigasyon ay malalaman kung may basehan ang mga alegasyon ni Acierto laban kay Presidential Adviser on Economic Affairs Michael Yang at isang Allan Lim.
Ibinahagi ng senador na pinuntahan siya ni Acierto sa kanyang opisina at ipinakita ang ulat at lang mga larawan, ngunit sinabi ni Lacson na hindi niya tinanggap ang mga detalye.
Dagdag nito nakitaan niya ng ilang butas ang ulat ni Acierto, na dating namuno sa PNP Anti-Illegal Drugs Group kayat pinayuhan niya ito na maglabas pa ng mga konkretong detalye maliban sa mga larawan.
Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad si Acierto dahil sa mga kasong nag-ugat sa pagpupuslit sa Bureau of Customs ng bilyong-bilyong pisong halaga ng shabu.