Sen. Ping Lacson sinabing dapat imbestigahan alegasyon sa droga laban kay Presidential Economic Adviser Michael Yang

By Jan Escosio March 27, 2019 - 01:10 PM

Naniniwala si Senator Panfilo Lacson na dapat imbestigahan pa rin ang mga alegasyon ng wanted na si dating Police Senior Superintendent Eduardo Acierto na sangkot sa operasyon ng droga ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Lacson sa isasagawang imbestigasyon ay malalaman kung may basehan ang mga alegasyon ni Acierto laban kay Presidential Adviser on Economic Affairs Michael Yang at isang Allan Lim.

Ibinahagi ng senador na pinuntahan siya ni Acierto sa kanyang opisina at ipinakita ang ulat at lang mga larawan, ngunit sinabi ni Lacson na hindi niya tinanggap ang mga detalye.

Dagdag nito nakitaan niya ng ilang butas ang ulat ni Acierto, na dating namuno sa PNP Anti-Illegal Drugs Group kayat pinayuhan niya ito na maglabas pa ng mga konkretong detalye maliban sa mga larawan.

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad si Acierto dahil sa mga kasong nag-ugat sa pagpupuslit sa Bureau of Customs ng bilyong-bilyong pisong halaga ng shabu.

TAGS: ed acierto, Illegal Drugs, Michael Yang, Senator Panfilo Lacson, War on drugs, ed acierto, Illegal Drugs, Michael Yang, Senator Panfilo Lacson, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.