Speaker GMA tikom ang bibig sa ie-endorsong susunod na speaker ni Mayor Sara Duterte

INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
Ayaw magbigay ng komento ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa ulat na may dalawang kandidato si Davao City Mayor Sara Duterte upang maging sunod na lider ng Mababang Kapulungan.

Ayon kay Speaker GMA, wala siya sa susunod na kongreso kaya ayaw nyang magkomento hinggil rito.

Tumanggi ring magsalita si Arroyo kung mayroon itong susuportahan upang maging susunod na house speaker.

Matatandaan na si Mayor Sara umano ang nasa likod ng pagkakakulok ni Arroyo bilang house speaker kapalit ng pinatalsik na lider ng kamara na si Davao Del Norte Cong. Pantaleon Alvarez.

Muli ring iginiit ni Arroyo na magpapahinga sya sa pulitika matapos ang kanyang termino ang magiging abala sya sa pagsusulat ng kanyang talambuhay.

Read more...