Death toll sa drug war ng pamahalaan umabot na sa 5,281; mahigit 176,000 ang naaresto
Umabot na sa 5,281 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa war on drugs ng pamahalaan.
Ang nasabing datos ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay mula noong July 1, 2016 hanggang February 28, 2019.
Ayon kay PDEA spokesman Derrick Carreon, umabot naman sa 176,021 ang mga drug suspect na kanilang naaresto sa nasa 123,441 na operasyong kanilang isinagawa.
Sa bilang ng mga nadakip, mayroong 638 na nasa gobyerno.
264 sa kanila ay elected officials, 74 ang uniformed personnel, at 300 ang government employees.
Ayon pa kay Carreon, umabot na sa 3,735.27 kilograms ng shabu ang kanilang nakumpiska na nasa P21.41 billion ang halaga.
Nasa 309 na drug den at clandestine laboratories na din ang kanilang nasalakay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.