Bahagi ng isang C-130 plane nasunog sa Clark Airport sa Pampanga

By Dona Dominguez-Cargullo March 27, 2019 - 11:37 AM

Isang C-130 plane ng Philippine Air Force ang nasunog habang papaalis sana sa Clark International Airport, Miyerkules, March 27 ng umaga.

Ayon kay Air Force Spokesman Major Aries Galang, nagsimula ang apoy sa landing gear ng eroplano dakong alas 7:00 ng umaga.

Agad din naman aniyang naapula ang apoy at wala namang nasaktan sa insidente.

Dinala agad sa maintenance hub ng Air Force ang C-130.

Iniimbestigahan pa kung ano ang dahilan ng sunog.

TAGS: air force, C130, clark airport, fire, Pampanga, air force, C130, clark airport, fire, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.