Sa House Bill 9170 na inihain ni Aangat Tayo Rep. Neil Abayon, mabibigyan ng incentives ang mga tao na magsesegregate ng recyclable plastics at magdadala ng mga basura sa redemption centers kapalit ng bigas, mga delata o pera.
Sa ilalim ng panukala, ang bawat isang kilo ng non-hazardous at recyclable plastic wastes ay may katapat na isang kilo ng bigas o cash equivalent, habang ang isang kilo ng metallic, non-hazardous, recyclable waste ay dalawang kilo naman ng bigas o katumbas nahalaga sa pera.
Sa ganitong paraan ayon kay Abayon ay mahihikayat ang mga consumers na paghiwa-hiwalayin ang kanilang mga basura sa kanilang bahay pa lamang at masosolusyunan ang pagdami ng basura.
Sa ilalim ng panukala inaatasan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na hikayatin ang mga indibiwal, mga may bahay at amga asosasyon na gawin ang segregation ng mga basura.