20 aktor, 11 aktres ang nasa drugs watchlist – PDEA

By Dona Dominguez-Cargullo March 27, 2019 - 10:47 AM

Nasa 20 artistang lalaki at 11 artistang babae ang kasama sa listahan ng mga celebrity ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sangkot sa ilegal na droga.

Sa isang panayam, sinabi ni PDEA Dir. General Aaron Aquino na sa 31 nasa PDEA wathclist na mga artista, karamihan ay kabataan.

Tatlo lamang aniya sa nasabing bilang ang artistang may edad na.

Magugunitang noong Martes sinabi ng PDEA na mayroon silang binabantayang 31 celebrities na pawang sikat at aktibo.

Ang mga ito ay bumibili aniya ng party drugs sa mga supplier ng ilegal na droga.

Hindi pa naman maibubunyag ng PDEA ang pagkakakilanlan ng mga ito habang patuloy pa ang validation.

TAGS: celebrities, drug watchlist, PDEA, War on drugs, celebrities, drug watchlist, PDEA, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.