Isang Boeing 737 MAX nag-emergency landing sa US

Isang Boeing 737 MAX ang nag-emergency landing sa Amerika matapos makaranas ng problema sa makina.

Ang eroplano ay inooperate ng Southwest Airlines ayon sa US Federal Aviation Agency.

Sa pahayag ng FAA, nakalapag naman ng maayos sa Orlando ang eroplano at ligtas ang lahat ng sakay nito.

Ayon sa FAA, iniimbestigahan nila ang insidente.

Magugunitang nagpatupad ng suspensyon ang FAA sa paggamit ng Boeing 737 MAX na mga eroplano matapos ang dalawang aksidenteng kinasangkutan ng Ethiopian Airlines at Lion Air.

Read more...