War on drugs sa QC suportado ng simbahan – VM Joy Belmonte

By Dona Dominguez-Cargullo March 27, 2019 - 09:46 AM

Kilala ang simbahan na kritiko ng war on drugs ng administrasyon.

Pero sa Quezon City, nakasuporta ang Simbahang Katolika sa mga programa ng lokal na pamahalaan kontra illegal na droga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, tinukoy nito ang suporta ni Novaliches Bishop Antonio Tobias sa mga programa ng lungsod para masagip ang mga lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Kamakailan ay kasama si Tobias sa paglagda ng kasunduan sa pagitan ng QC government at PDEA sa layuning sagipin ang mga tinaguriang ‘solvent boys’ sa Quezon City.

Sinabi ni Belmonte na batid naman ng simbahan na sinsero ang lokal na pamahalaan sa pagtulong sa mga lulong sa ipinagbabawal na gamot at target nilang mai-rehabilitate ang mga ito.

Bago pa man paigtingin ang war on drugs ng pamahalaan sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mayroon nang drug treatment and rehabilitation center sa Quezon City para sa mga drug dependent.

Si Belmonte ay tumatakbong mayor sa Quezon City para sa 2019 midterm elections.

Sakaling palarin, sinabi ni Belmonte na mas palalakasin pa ang serbisyo ng QC Drug Treatment and Rehabilitation Center na mula sa 150 bed capacity ay mayroon na ngayong 300 bed capacity.

TAGS: joy belmonte, QC Drug Treatment and Rehabilitation Center, Radyo Inquirer, rehab program, War on drugs, joy belmonte, QC Drug Treatment and Rehabilitation Center, Radyo Inquirer, rehab program, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.