Dating Police Col. Acierto hinamon ng barilan ni Pangulong Duterte

Hinamon ng barilan ni Pangulong Rodrigo Duerte si dating Police Sr. Supt. Eduardo Acierto na nag-aakusang sangkot sa ilegal na droga si dating Presidential Economic Adviser Michael Yang.

Ayon sa pangulo, hindi dapat na paniwalaan si Acierto.

Dagdag ng pangulo, kabilang si Acierto sa mga itinuturing na ninja cops o pulis na nagre-recycle ng mga nakukumspikang ilegal na droga.

Dagdag ng pangulo, kasabwat ni Acierto ang isa pang pulis na si Ismael Fajardo.

Si Acierto rin aniya ang responsable sa pag-frame up kay Marine Officer Ferdinand Marcelino na naging PDEA agent.

Matatandaang nahuli si Marcelino sa isang shabu laboratory sa Maynila subalit inabswelto ng korte at ngayon ay balik na sa serbisyo sa AFP.

Una nang sinabi ng pangulo na si Acierto ay sangkot din sa pagdukot at pagpatay sa Korean na si Jee Ick Joo sa Camp Crame.
Modus aniya ng grupo ni Acierto ang pag-kidnap sa mga dayuhang negosyante para kumita ng pera.

Read more...