3 sugatan nang banggain ng truck ang isang sidecar sa Davao City

By Dona Dominguez-Cargullo March 27, 2019 - 09:31 AM

Sugatan ang tatlong katao matapos ang aksidente na naganap sa highway na sakop ng Barangay Toril sa Davao City.

Sa insiyal na imbestigasyon, binangga ng isang truck ang sidecar sakay ang mga biktima.

Nasugatan ang driver ng sidecar at ang mag-asawang pasahero nito.

Paliko umano ang sidecar papasok sa isang subdivision mula sa highway nang banggain ng truck na matulin ang andar.

Patungo sana sa Bago Aplaya ang truck na minamaneho ni Danielo Delos Reyes.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries ang driver ng truck.

TAGS: accident, Davao City, Toril, accident, Davao City, Toril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.