Lolo, nagpakamatay matapos mabaril si Lola sa Sorsogon

 

Inaalam na ang motibo sa pagpatay ng isang 55-anyos na lolo sa kanyang asawa sa bayan ng Pilar, lalawigan ng Sorsogon.

Base sa paunang impormasyon, alas-5:00 ng hapon naganap ang pamamaril ni Alejandre Loberio sa kanyang misis na si Loreta, 57-anyos sa kanilang bahay sa Barangay Bayawas.

Gayunman, inabot pa ng mahigit dalawang oras bago ito naitawag sa istasyon ng pulisya ang insidente.

Nabatid na nang masiguro ng suspek na patay na ang kanyang misis ay nagbaril naman ito sa sarili at agad na binawian ng buhay.

Inaalam pa ng mga otoridad kung may pinagtalunan ang mag-asawa bago ang insidente ng ng murder-suicide.

Read more...