PBA may special treat sa basketball fans sa kanilang 44th anniversary

By Jimmy Tamayo March 27, 2019 - 08:43 AM

May special treat ang mga pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa kanilang fans sa pagpasok ng buwan ng Abril.

Kasabay ito ng 44th anniversary celebration ng liga na ipagdiriwang nila sa buong buwan.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, special number para sa kanila ang 44 at bilang pasasalamat ay may mga ihahandog sila sa mga basketball fans.

Bahagi ng special treat ay 44% discount sa ticket prices partikular sa upper box at gallery sa pag-arangkada ng 2019 PBA Philippine Cup play-offs.

Magpapa-raffle din sila ng 44 special prizes para sa mga manonood ng laro.

Ililibre din nila ang apat na PBA fans na ipinanganak noong April 9, 1975 kasabay ng pagbubukas ng PBA.

Ang PBA ay nagsimula noong 1975 bilang kauna-unahang professional basketball league sa Asya tampok ang mga koponan na Crispa Redmanizers, Mariwasa-Noritake, Presto Ice Cream, Seven-up Uncolas, Toyota comets at U/Tex Weavers.

TAGS: 44th anniversary, PBA, Radyo Inquirer, sports, 44th anniversary, PBA, Radyo Inquirer, sports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.