Isa sugatan nang bumangga ang pampasaherong jeep sa center island sa Sta. Cruz, Maynila

Isang pasahero ang nasugatan matapos bumangga ang sinasakyan niyang pampasaherong jeep sa center island sa Sta. Cruz, Maynila.

Naganap ang aksidente sa Rizal Avenue kanto ng Batangas Street.

Nabangga ang jeep na may plakang TVN 862 na minamaneho ni Alberto Ria.

Ayon kay Ria, nawalan ng preno ang kaniyang jeep at ayaw huminto sa intersection na noon ay naka-red light.

Para hindi na makasagasa ng mga nasa harapan niya, kinabig na lang niya pakaliwa ang jeep.

Agad naming dumating ang rescue team para lapatan ng lunas ang isa sa mga pasaherong nasugatan.

Read more...