WATCH: Pinoy singer nakaabante sa susunod na round sa The Voice US

By Jimmy Tamayo March 27, 2019 - 08:15 AM

Tuloy pa rin ang laban para sa Filipino singer na si Jej Vinzon matapos makapasok sa susunod na round ng singinging competition na The Voice US.

Sa ginanap na head-to-head battle sa pagitan ni Vinzon at ng isa pang singer na si Beth Griffin-Manley para sa Team Clarkson kinanta nila ang “Jelous” mula sa grupong Labrinth.

Bagaman pareho silang pinuri ng mga hurado na kinabibilangan ng kanilang Coach na si Kelly Clarkson, John Legend, Adam Levin at Blake Shelton mas nangibabaw si Jej.

Dahil dito, ang pinoy singer ang napili ni Clarkson para manatili sa kanyang team.

Samantala, hindi naman tuluyang nalaglag si Manley dahil kinuha siya ni Legend para sa kanyang team.

Si Jej ay lumaki dito sa Pilipinas pero naninirahan na ngayon sa Los Angeles California.

TAGS: Jej Vinson, Radyo Inquirer, The Voice US, Jej Vinson, Radyo Inquirer, The Voice US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.