Magnitude 6.0 na lindol tumama sa Alaska
By Dona Dominguez-Cargullo March 27, 2019 - 07:46 AM
Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Alaskay, USA.
Ayon sa US Geological Survey, ang lindol ay naitala sa layong 258 kilometers mula sa Kotzebue alas 5:27 ng umaga oras sa Pilipinas.
Unang itinala sa magnitude 5.5 ang pagyanig pero kalaunan itinaas sa magnitude 6.0 ang lakas nito.
Inaalam pa kung mayroong naidulot na pinsala ang nasabing pagyanig.
Wala namang itinaas na tsunami alert bunsod ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.