Chop chop na katawan ng babae, natagpuan sa Pampanga; suspek napatay ng pulisya

By Len Montaño March 27, 2019 - 04:59 AM

Natagpuang nakalagay sa washing machine at maleta ang chop chop na mga parte ng katawan ng babae sa isang barangay sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ni Supt. Narwin Mangune, hepe ng Angeles City Police, ang biktima na si Lindsey Avelino.

Ayon kay Mangune, ang suspek na live-in partner ni Avelino na si Eduarod Pasion ay napatay nang manlaban ito habang inaaresto kaugnay ng krimen sa Purok 2 Barangay Amsic.

Nabatid na inamin ng suspek sa kanyang employer ang pagpatay sa biktima. Ang naturang employer ang nagreport sa pulisya ukol sa pag-amin ni Pasion.

Sinasabing selos ang dahilan kaya pinatay ng suspek ang biktima.

Ayon kay Mangune, mayroon umanong ibang karelasyong lalaki si Avelino.

Nakita ang katawan ni Avelino sa loob ng washing machine habang ang ibang parte ng katawan nito gaya ng ulo, mga paa at kamay ay nakasilid sa isang itim na travelling bag na nasa bakanteng bahay.

Narekober ng pulisya ang .9mm na ginamit ng suspek sa krimen.

TAGS: Angeles City, babae, chop-chop, maleta, Pampanga, selos, washing machine, Angeles City, babae, chop-chop, maleta, Pampanga, selos, washing machine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.