Ayon kay NDRRMC executive officer Ricardo Jalad, P2.69 bilyon na ang tinatayang pinsala sa agrikultura partikular sa palay, mais at high-value crops (HVC).
Anya ang mga pinakaapektadong mga rehiyon ay ang CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa NDRRMC, P12 milyon ang pinsala sa palay ng dry spell sa CALABARZON.
SA MIMAROPA ang pinsala sa palay ay P181 milyon; P3.5 milyon sa mais at P7.6 milyon sa iba pang HVC.
Sa Western Visayas naman ay nasa P76 milyon na ang pinsala sa palay habang sa Central Mindanao ay P808 milyon na ang pinsala sa palay at mais.
Ang dry spell naman sa BARMM ay nagdulot na ng P212 milyong pinsala sa palay habang P190 milyon sa mais.
Sinabi ni Jalad na nagdeklara na ng state of calamity ang MIMAROPA, Western at Central Mindanao at BARMM dahil sa dry spell.
Sa Cordillera naman ay P1.18 bilyon ang pinsala sa palay, mais, cassava at iba pang HVC kung saan Ifugao at Apayao ang nakapagtala ng pinakamalaking halaga ng pinsala sa P470 at P456 milyon.