NDRRMC: Pinsala ng dry spell sa agrikultura P2.69B na

By Rhommel Balasbas March 27, 2019 - 04:30 AM

Higit P2 bilyon na ang halaga ng pinsala ng dry spell sa anim na rehiyon sa bansa ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) araw ng Martes.

Ayon kay NDRRMC executive officer Ricardo Jalad, P2.69 bilyon na ang tinatayang pinsala sa agrikultura partikular sa palay, mais at high-value crops (HVC).

Anya ang mga pinakaapektadong mga rehiyon ay ang CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa NDRRMC, P12 milyon ang pinsala sa palay ng dry spell sa CALABARZON.

SA MIMAROPA ang pinsala sa palay ay P181 milyon; P3.5 milyon sa mais at P7.6 milyon sa iba pang HVC.

Sa Western Visayas naman ay nasa P76 milyon na ang pinsala sa palay habang sa Central Mindanao ay P808 milyon na ang pinsala sa palay at mais.

Ang dry spell naman sa BARMM ay nagdulot na ng P212 milyong pinsala sa palay habang P190 milyon sa mais.

Sinabi ni Jalad na nagdeklara na ng state of calamity ang MIMAROPA, Western at Central Mindanao at BARMM dahil sa dry spell.

Sa Cordillera naman ay P1.18 bilyon ang pinsala sa palay, mais, cassava at iba pang HVC kung saan Ifugao at Apayao ang nakapagtala ng pinakamalaking halaga ng pinsala sa P470 at P456 milyon.

TAGS: 6 na rehiyon, agrikultura, dry spell, high-value crops, mais, NDRRMC, P2.69 bilyon, palay, pinsala, Ricardo Jalad, 6 na rehiyon, agrikultura, dry spell, high-value crops, mais, NDRRMC, P2.69 bilyon, palay, pinsala, Ricardo Jalad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.