Malawakang blackout nararanasang muli sa Venezuela

By Rhommel Balasbas March 27, 2019 - 04:21 AM

AP photo

Isa na namang malawakang blackout ang nararanasan sa bansang Venezuela dahilan para suspendihin ang pasok sa klase at trabaho.

Nagsimula ang blackout sa kabisera ng bansa na Caracas noon pang Lunes na nakaapekto na sa operasyon ng mga ospital, public transportation, tubig, linya ng komunikasyon at iba pang social services.

Maging ang broadcast operations ng makapangyarihang state-run television network ay naapektuhan.

Umabot din ang blackout sa iba pang pinakamalalaking lungsod ng bansa na Barquisimeto at Maracaibo.

Dahil sa naranasang blackout, libu-libong mga pasahero ang nastranded sa mga kalye dahil sa kawalan ng operasyon ng mga linya ng tren.

Magugunitang noong March 7 naranasan ang pinakamatinding blackout sa kasaysayan ng bansa na tumagal ng ilang araw.

Isinisisi ni Venezuelan President Nicolas Maduro ang kawalan ng kuryente sa pwersa ng oposisyon na pinamumunuan ni Juan Guaido.

Inilalaban ni Maduro ang pananatili sa kapangyarihan sa gitna ng lumalakas na oposisyon at economic sanctions ng US.

Ang US na nangunguna para matanggal sa pwesto si Maduro ay pinabulaanan ang mga alegasyon na may kinalaman sila sa power outages.

Sa Twitter naman, sinabi ni Guaido na ang blackout ay resulta ng incompetence ni Maduro.

TAGS: bl;ackout, broadcast operations, Caracas, power outages, venezuela, Venezuelan President Nicolas Maduro, bl;ackout, broadcast operations, Caracas, power outages, venezuela, Venezuelan President Nicolas Maduro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.