P6M halaga ng shabu, nasabat ng PDEA sa buy bust sa Maynila

By Len Montaño March 27, 2019 - 04:11 AM

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit P6 milyong halag ng hinihinalang shabu sa parking lot sa Malate, Manila.

Ayon sa PDEA, nasa isang kilong shabu ang narekober mula sa 22 anyos na suspek.

Naniniwala ang operatiba na ang suspek, na tatlong linggo ng under surveillance, ang supplier ng shabu sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at southern Tagalog region.

Ayon sa suspek, sinabihan lamang siya na magdeliver ng package at hindi niya alam na droga ang laman nito.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, manila, P6M, parking lot, PDEA, shabu, supplier, surveillance, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, manila, P6M, parking lot, PDEA, shabu, supplier, surveillance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.