Unang Dalian train, handa na sa regular run sa MRT3
Target ng Department of Transportation (DOTr) anumang oras sa linggong ito ang regular na biyahe ng unang Dalian train.
Ang pinakabagong dagdag sa linya ng Metro Rail Transit (MTR3) ay ang una sa tatlong Dalian trains na nakumpleto na ang validation tests matapos ang ilang taong pagkatengga sa depot dahil sa umanoy incompatibility issues.
Una rito, ang tatlong China-made trains mula sa 18 na nadeliver sa bansa ay sumailalim sa 1,000-kilometer commissioning test.
Ayon kay Transportation Undersecretary Tj Batan, layon ng hakbang na masuri ang operability at compatibility ng Dalian train sa mga riles.
Gayunman sinabi ni Batan na ang dagdag Dalain train sa regular fleet ng MRT3 ay hindi nangangahulugan na maiibsan ang congestion dahil mananatili sa 15 ang average number ng operating trains.
Pero makakatulong naman anya ang bagong tren sa pagpunan sa gap habang ino-overhaul ang mga lumang stocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.