Nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng handa na uli ito na magkaroon ng kasunduan sa Moro National Liberation Front (MNLF).
Sa kanyang takumpati sa Koronadal City, sinabi ng Pangulo na nagmamadali na siya para sa kasunduan kay MNLF chairman Nur Misuari.
Umaasa ang Pangulo na magkaroon sila ng pagkakataon ni Misuari na maplantsa ang pagkakaiba at magkaroon ng isang kundisyon na tanggap ng dalawang panig.
Kamakailan ay nagbanta si Misuari na magdeklara ito ng giyera kung hindi matuloy ang pederalismo.
Tutol si Misuari sa Bangsamoro Organic Law (BOL) na kasunduan naman ng gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.