Sa kaniyang pagkakaalis sa posisyon, ide-destino na si Pelobello sa main headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City at papalitan naman siya ng pinuno ng Security Protection Group na si Senior Supt. Rommel Bernardo Cabagnot.
Ikinagulat naman ito ni Pelobello lalo pa’t ang paglilipat sa kaniya ay epektibo November 26, dalawang araw matapos ang November 24 na petsa ng inilabas na relief order para sa kaniya.
Ito’y sa kabila ng mas pinaigting aniya na mga operasyon ng mga pulis para masupil na ang mga pagpatay tulad ng paglalagay ng mga checkpoints, pagbuo ng kampanya laban sa hindi lisensyadong armas at 150 katao na rin ang naaresto.
Dagdag pa niya, ang utos ay ibinaba apat na araw lamang matapos niyang umpisahan ang one-time big-time na kampanya laban sa iligal na drogang nakaaresto na ng 30 katao.
Kilala ang probinsya ng Samar bilang isang “concerned areas” tuwing halalan dahil sa mga karahasan at presensya ng mga pribadong armadong grupo.