M3.1 na lindol naitala sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-2:20 ng madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 19 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Cortes.

May lalim ang lindol na 19 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...