Malacañang: Panukalang 2019 budget masusing pag-aaralan ni Duterte

By Rhommel Balasbas March 27, 2019 - 03:11 AM

Masaya ang Palasyo ng Malacañang dahil naresolba na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang kanilang mga isyu sa 2019 national budget.

Binati ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang Kamara at Senado sa maayos na paggawa ng mga ito sa kanilang trabaho hinggil sa budget.

Ayon kay Panelo, masusing pag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang budget at lalagdaan lamang ito kung ito ay naaayon sa Konstitusyon.

Tatagal lamang anya ng ilang araw ang pag-review ng presidente sa 2019 budget proposal.

Anya, tatrabahuin agad ni Duterte ang panukala dahil kailangan na ng bansa ang pondo.

Magugunitang nilagdaan na ni Senate President Tito Sotto ang panukala at ipinasa na ito sa Malacañang para malagdaan ni Duterte.

Gayunman, ay nilagdaan niya anya ito ng may pangamba dahil sa realignments na ginawa ng Kamara matapos itong ratipikahan.

Ayon kay Panelo, aalamin ng presidente kung tama ang opinyon ng Senado na may iligal sa panukala.

Kasalukuyang tumatakbo ang gobyerno sa reenacted budget dahil sa pagkakabalam ng pagpasa sa 2019 budget na dapat ay noon pang December 2018 naipasa

TAGS: 2019 budget, Kamara, pag-aaralan, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, realignments, Senado, Vicente Sotto III, 2019 budget, Kamara, pag-aaralan, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, realignments, Senado, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.