1 taong gulang na bata, patay sa pambubugbog ng ama

By Kathleen Betina Aenlle December 02, 2015 - 04:11 AM

 

Inquirer file photo

Patay ang mahigit isang taong gulang na bata matapos gulpihin ng kaniyang ama sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Walang awang binugbog ng suspek na si Nazarenio Mendiola ang kaniyang anak na si Tylor Jerick na natagpuang naninigas na sa kuna alas 4:15 ng hapon Linggo.

Ayon kay PO3 Roldan Cornejo ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit, unang dinala sa isang klinika ang bata bago dalhin sa East Avenue Medical Center kung saan ito dineklarang dead on arrival.

Base sa imbestigasyon, sinilip ng kapitbahay nilang si George Romero ang bahay ng suspek makaraang marinig ang malakas na iyak ng bata dakong alas kwatro ng hapon ng Sabado.

Nakita niya aniya ang suspek na hawak ang bata ng patiwarik habang paulit-ulit itong sinasampal.

Kinumpirma naman ito ng kaniyang inang si Gerald Loraine Perez at aniya, lasing ang asawa at narinidi sa iyak ng anak na humahabol sa kaniya.

Sinubukan niyang pigilan ang kinakasamang si Mendiola ngunit binugbog din aniya siya nito.

Dagdag pa ni Perez, sila ng tatlong iba pa niyang mga anak ay hindi nakakaligtas sa pagmamalupit ng suspek.

Sinabi rin ni Romero na palagi niyang naririnig ang pambubugbog ng suspek sa kaniyang pamilya na nakatira lamang sa tabi ng kaniyang tirahan.

Sumailalim na sa inquest proceedings Martes si Mendiola na mahaharap sa kasong parricide, pero itinanggi niyang siya ang nakapatay sa anak.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.