Pinalayang suspek sa pagpatay kay Silawan, muling pinaaaresto ni Duterte

By Chona Yu March 27, 2019 - 01:23 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang piskal na may hawak sa kaso ng pagpatay sa dalagitang si Christine Silawan sa Lapu Lapu City, Cebu na muling arestuhin ang menor edad na suspek na pinakawalan ng mga awtoridad.

Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Koronadal City, South Cotabato, inamin ng Pangulo na tinawagan niya ang piskal na may hawak ng kaso ni Silawan.

Pinababawi ng Pangulo ang dismissal order at nais nitong muling arestuhin ang pinalayang suspek.

Paliwanag ng Pangulo, hindi nangyayari ang hot pursuit sa loob ng 24 oras lamang

Iginiit ni Duterte na habang iniimbestigahan ang isang kaso at nagsasagawa ng mga follow-up operation ang mga otoridad, matatawag pa rin itong hot pursuit.

Naniniwala ang Pangulo na ang pagpatay kay Silawan ay resulta ng pagkalulong sa iligal na droga ng suspek at iba pa nitong mga kasabwat.

Ayon pa sa Pangulo, sa klase ng krimen na nangyayari ngayon ay masasabing lumala pa ang problema ng bansa sa iligal na droga.

Matatandaang pinatay si Silawan, binalatan ang mukha at tinanggal ang dila at iba pang parte ng katawan.

TAGS: Christine Silawan, Dismissal Order, hot pursuit, Koronadal City, lulong sa droga, menor de edad, muling pinaaaresto, Pangulong Rodrigo Duterte, PDP Laban, pinakawalan, pinalaya, piskal, South Cotabato, Christine Silawan, Dismissal Order, hot pursuit, Koronadal City, lulong sa droga, menor de edad, muling pinaaaresto, Pangulong Rodrigo Duterte, PDP Laban, pinakawalan, pinalaya, piskal, South Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.