Bangkay ng babae, nakitang nakalagay sa sako sa Cavite

Credit: Iahn Cabello

Natagpuan ang bangkay ng isang babae na nakasilid sa sako sa ilalim ng tulay sa Carmona, Cavite.

Ayon kay PO1 Emerson Gusto ng Carmona Police, may nagreport ukol sa kakaibang amoy mula sa tulay.

Nang puntahan ang lugar ay nakita ang sako kung saan nakalagay ang bangkay ng babae.

Ang biktima ay nakasuot ng stripes ng damit at itim na shorts.

Walang pagkakilanlan sa biktima na tinatayang nasa pagitan ng 5 feet at 5’5 ang tangkad.

Sa ngayon ay nasa crime laboratory na ang bangkay para sa kaukulang pagsusuri.

Read more...