Bangkay ng babae, nakitang nakalagay sa sako sa Cavite

By Len Montaño March 27, 2019 - 12:29 AM

Credit: Iahn Cabello

Natagpuan ang bangkay ng isang babae na nakasilid sa sako sa ilalim ng tulay sa Carmona, Cavite.

Ayon kay PO1 Emerson Gusto ng Carmona Police, may nagreport ukol sa kakaibang amoy mula sa tulay.

Nang puntahan ang lugar ay nakita ang sako kung saan nakalagay ang bangkay ng babae.

Ang biktima ay nakasuot ng stripes ng damit at itim na shorts.

Walang pagkakilanlan sa biktima na tinatayang nasa pagitan ng 5 feet at 5’5 ang tangkad.

Sa ngayon ay nasa crime laboratory na ang bangkay para sa kaukulang pagsusuri.

TAGS: babae, bangkay, Carmona, Carmona Police, cavite, ilalim ng tulay, itim na shorts, masamang amoy, PO1 Emerson Gusto, sako, stripes na damit, babae, bangkay, Carmona, Carmona Police, cavite, ilalim ng tulay, itim na shorts, masamang amoy, PO1 Emerson Gusto, sako, stripes na damit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.