Gayunman, hindi na muna pinangalanan ng Pangulo kung sinong mga opisyal ang nanganganib na masipa sa puwesto.
Sa talumpati ng Pangulo sa pamamahagi ng unconditional cash transfer program sa Koronadal City, South Cotabato Martes ng gabi, sinabi nito na mayroon lamang siyang hinihintay na report sa susunod na linggo.
Ayon sa Pangulo, kapag nakuntento siya sa laman ng report, hindi niya sisibakin ang mga opisyal.
Pero kapag hindi nabigyan katwiran, ayon sa Pangulo ay pasensyahan na lamang.
“…I will fire more next week. Hinihintay ko lang ‘yung report nila. But sabi ko na, you give me your report and if I find it justifiable, you can stay. Pero kung may corruption, I’m sorry,” ani Duterte.
Una nang ipinatawag ng Pangulo sa Palasyo ng Malakanyang ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWS) at sinermunan matapos ang mawalan ng suplay ng tubig ang mga residente sa Metro Manila.
Pinagsumite ng report ng Pangulo ang mga taga MWSS bago ang April 10 para pagpaliwanagin sa naranasang water crisis.