Duterte may sisibakin pang mga opisyal ng gobyerno

By Chona Yu March 26, 2019 - 11:02 PM

May sisibakin na naman si Pangulong Rodrigo Duterte na mga opisyal ng gobyerno sa susunod na linggo.

Gayunman, hindi na muna pinangalanan ng Pangulo kung sinong mga opisyal ang nanganganib na masipa sa puwesto.

Sa talumpati ng Pangulo sa pamamahagi ng unconditional cash transfer program sa Koronadal City, South Cotabato Martes ng gabi, sinabi nito na mayroon lamang siyang hinihintay na report sa susunod na linggo.

Ayon sa Pangulo, kapag nakuntento siya sa laman ng report, hindi niya sisibakin ang mga opisyal.

Pero kapag hindi nabigyan katwiran, ayon sa Pangulo ay pasensyahan na lamang.

“…I will fire more next week. Hinihintay ko lang ‘yung report nila. But sabi ko na, you give me your report and if I find it justifiable, you can stay. Pero kung may corruption, I’m sorry,” ani Duterte.

Una nang ipinatawag ng Pangulo sa Palasyo ng Malakanyang ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWS) at sinermunan matapos ang mawalan ng suplay ng tubig ang mga residente sa Metro Manila.

Pinagsumite ng report ng Pangulo ang mga taga MWSS bago ang April 10 para pagpaliwanagin sa naranasang water crisis.

TAGS: Koronadal City, mwss, opisyal ng gobyerno, report, Rodrigo Duterte, sisibakin, South Cotabato, suplay ng tubig, water crisis, Koronadal City, mwss, opisyal ng gobyerno, report, Rodrigo Duterte, sisibakin, South Cotabato, suplay ng tubig, water crisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.