Duterte sa militar: ‘Bakit buhay pa si Acierto?’

By Chona Yu March 26, 2019 - 10:48 PM

Tinanong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo at pulis kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa at pagala-gala si dating police Sr. Supt. Eduardo Acierto na una nang nasibak sa puwesto dahil sa pagkakasangkot sa P11 milyong halaga ng shabu shipment at kwestyunableng pagbili ng mga baril noong kasapi pa siya ng PNP.

“Huwag kayong maniwala itong, lalo na itong si Acierto. Ito ngayong — tanungin ko kaya ang military at pulis bakit buhay pa ang p***** i**na iyan?” ani Duterte.

Nagtago si Acierto matapos madismiss sa serbisyo ng Ombudsman subalit lumutang nitong mga nakaraang araw at idinadawit sa operasyon sa ilegal na droga ang matalik na kaibigang Chinese ni Pangulong Duterte na si dating presidential economic adviser Michael Yang at isa pang Chinese na si Allan Lim.

Sa talumpati ng Pangulo sa distribusyon ng pantawid pamilya pilipino progam sa Koronadal City sa South Cotabato Martes ng gabi, sinabi nito na corrupt at sangkot din si Acierto sa pagpatay noon sa Koreano na si Jee Ick Joo sa loob ng Kampo Crame.

“Binuko ko sila diyan, sabi ko, “You are a f****** i****, sila Acierto. Kasi alam ko na. Sabi niya hindi ko raw binigyan ng importansya. Bakit ko bigyan ng importansya? Kayo ang nag-imbestiga, eh di gawin niyo ang trabaho niyo… Alam ko siya na korap. Alam ko na siya na nag-kikidnap ng mga Chinese, pati ‘yung Koreano na pinatay doon sa Krame, siya ‘yun. T*** i** itong Acierto na ‘to.”

Sangkot din aniya si Acierto ng pagbebenta ng baril na AK-47 na ngayon ay nasa kamay na ng New People’s Army (NPA).

“Ngayon, he was the guy na nag-import ng AK-47. One thousand something. Tapos dineliver niya sa New People’s Army. Pulis itong gagong ‘to ha,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat na paniwalaan si Acierto.

Habang todo banat kay Acierto, panay naman ang papuri ng pangulo kay Yang.

Ayon sa Pangulo, malabong masangkot sa ilegal na droga si Yang dahil madalas siyang kasama ni Chinese Premiere Li Keqiang.

Dagdag ng Pangulo, taong 1999 nang pumasok si Yang sa bansa para mag negosyo.

“Si Michael Yang, Michael Yang is always with Premiere ng China. Everytime magpunta dito kasama iyan. Papayag kaya ang ambassador, satellite nila — Papayag kaya si Michael Yang mag-punta punta dito kasa-kasama ang ambassador,” dagdag ng Pangulo.

TAGS: AK-47, Allan Lim, Chinese Premiere Li Keqiang, Jee Ick Joo, Koronadal City, Michael Yang, Rodrigo Duterte, shabu shipment, South Cotabato, Sr. Supt. Eduardo Acierto, AK-47, Allan Lim, Chinese Premiere Li Keqiang, Jee Ick Joo, Koronadal City, Michael Yang, Rodrigo Duterte, shabu shipment, South Cotabato, Sr. Supt. Eduardo Acierto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.