“Kausaban” o pagbabago, hiling ng mga mamamayan ng ika-5 distrito ng Leyte

By Ricky Brozas March 26, 2019 - 10:25 PM

FB photo

Hindi maipagkakaila ang bakas ng kahirapan sa maraming lugar sa lalawigan ng Leyte.

Partikular na maaaninag ang pagiging salat sa buhay ng mamamayan sa ikalimang distrito ng probinsiya.

Makikita sa lugar ang hindi matatapos-tapos na daan habang ang ibang lugar naman ay wala talagang matinong kalsada na madaanan lalo na sa mga liblib na baranggay.

Tinungo ng News Team ng Radyo Inquirer ang ilang mga baryo sa Baybay, Leyte na bagaman ay siyudad na ay marami pa rin ang pahirapan sa transportasyon.

Sa Baranggay Altavista, kailangan pang tumawid ng ilog ang mga residente kapag sila ay magtutungo sa lungsod ng Baybay.

Ayon kay Annabel Concillo, Baranggay coordinator, hindi maitago ang pagkadismaya sa kanilang sitwasyon.

Ang ilog sa Brgy. Altavista na pahirapang tinatawid ng mga residente

Aniya kailangan pa nilang languyin ang ilog kapag mataas ang tubig para lamang makatawid.

Kung tutuusin sinabi ni Atty. Levito Baligod, tumatakbong alkalde sa Lungsod, hindi na dapat nagpapakasakit at mahaharap sa peligro ang mga residente ng Altavista kung  napagawan lamang ng tulay ang ilog.

Sabi ni Baligod, politika ang dahilan kung kaya’t hindi mapagawan ng tulay ang mga taga Baranggay Altavista.

Ganito rin ang sentimiyento ng mga tao kay Malot Galenzoga-Baligod, mahirap ang buhay, salat sa pagkalinga ng gobyerno na sinamahan pa ng paglaganap ng droga.

Iyan ang mga dahilan kung bakit siya hinimok ng mga tao na tumakbo sa pagka-kongresista sa ikalimang distrito ng Leyte.

Hamon aniya para sa kanya na buwagin ang dinastiya na matagal nang nasa poder pero wala namang pag-unlad na nararamdaman ang mas nakararami.

Maliban sa livelihood program, nais ni Malot Baligod na gawing libre ang gamot sa mga kapos-palad na pasyente.

Nakadagdag pa aniya sa suliranin ng lalawigan ang hindi matapos-tapos na problema sa droga dahilan para maantala ang pag-unlad ng kanilang distrito.

Sabi ni Mrs. Baligod, ang mamamayan na patuloy na sumusuporta sa kanya at nagtutulak ng kanyang kandidatura ang dahilan kung bakit pursigido siyang ituloy ang laban para sa “kausaban” o pagbabago.

Malaki naman ang pasasalamat niya kay Mayor Sara Duterte sa pag-indorso sa kanya bilang kandidato sa pagka-kongresista ng Hugpong ng Pagbabago sa ika-limang distrito ng Leyte.

TAGS: Altavista, Annabel Concillo, atty levito baligod, baybay, Droga, gamot, ika-5 Distrito, ilog, kausaban, leyte, livelihood program, Malot Galenzoga-Baligod, pagbabago, Radyo Inquirer, Altavista, Annabel Concillo, atty levito baligod, baybay, Droga, gamot, ika-5 Distrito, ilog, kausaban, leyte, livelihood program, Malot Galenzoga-Baligod, pagbabago, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.