Birthday ni Duterte sa bahay lang gaganapin ayon sa Malacañang

By Chona Yu March 26, 2019 - 05:04 PM

Sa bahay lamang sa Davao City magdiriwang ng ika-74 taong kaarawan si Pangulong Rodrigo Duterte sa March 28.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang magarbong handaan para sa birthday ng pangulo.

Dagdag ni Panelo, private time lamang kasama ang pamilya ang gagawin ng pangulo sa Huwebes.

Matatandaang sa mga nakalipas na birthday, nasa bahay lamang sa Davao City naglalagi ang pangulo.

Ipinanganak si Pangulong Duterte noong March 28, 1945 sa Maasin, Southern Leyte.

TAGS: 74th birthday, Davao City, duterte, March 28, panelo, 74th birthday, Davao City, duterte, March 28, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.