Terminated na ang serbisyo ni Presidential Economic Adviser Michael Yang.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, noon pang December 31, 2018 natapos ang kontrata ni Yang.
Inanunsyo ng palasyo ang termination ng kontrata ni Yang sa gitna ng alegasyon ni dating PNP SSupt. Eduardo Acierto na sangkot sa illegal na droga si Yang.
Nabatid na piso lamang kada taon ang bayad ng gobyerno sa kontrata ni Yang bilang adviser ng pangulo.
Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Dutete noong October 2016 na hindi niya economic adviser si Yang dahil ito ay isang Chinese national na ipinagbabawal sa batas ng Pilipinas.
Si Yang ay kilalang matalik na kaibigan ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.