Pag-waive ng Manila Water sa kanilang singil panalo ng konsyumer – Sen. Hontiveros
Ikinatuwa na rin ni Akbayan Senator Risa Hontiveros ang anunsiyo ng Manila Water na pag-waive sa kanilang April bill ng kanilang mga kustomer na lubhang naapektuhan ng nangyaring kakulangan sa suplay ng tubig.
Ayon kay Hontiveros malaking tagumpay na ang naging hakbang ng Manila Water para sa mga konsyumer.
Ngunit pagdidiin ng senadora marami pa ang dapat gawin para maiwasan na ang pagkakaroon ng krisis sa tubig.
Aniya dapat talagang suriin ang mga kasunduan sa water concessionaires.
Nararapat din aniya na magkaroon pa ng mas malinaw na polisiya ang gobyerno sa usapin ng utilities, lalo na ang tubig.
Kasabay nito, nanawagan din si Hontiveros sa Manila Water na ibalik ang ginasta ng mga ospital na naapektuhan din ng water crisis para lang maipagpatuloy ang kanilang mga operasyon at pangangalaga sa mga pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.