Hiniling sa gobyerno ng ilang sektor ng lipunan, partikular na ang mga mangingisda, na itigil na ang pagsasagawa ng reclamation projects sa bansa.
Sa isinasagawang 2nd People’s Summit on the Impacts of Reclamation naipunto ang mga magiging epekto ng mga proyekto sa kabuhayan at tirahan ng mga tao at sa kalikasan.
Nabatid na sa kabuuang bilang ng nga reclamation projects, 80 porsiyento sa mga ito ay makakaapekto sa Manila Bay.
Sa inilabas na pahayag ng organizers ng summit, ipinunto nila na ang Executive Order 74 ni Pangulong Duterte para sa Philippine Reclamation Authority ay walang malinaw na plano para sa mga maapektuhan ng mga proyekto, lalo na ang mga mangingisda.
Samantala, ipinagdiinan naman ng Oceana Philippines na ang isinasagawang reclamation projects sa bahagi ng Manila Bay ay paglabag sa ilang batas, tulad ng Local Government Code, Fisheries Code, Environmental Impact Statement System Act at Climate Change Act.